Dahil mahalaga ka, magpabakuna na!


May 19, 2021

MGA MADALAS NA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAGPAPA-BAKUNA LABAN SA COVID-19

 

  1. MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA BAKUNA KONTRA COVID-19

 

  1. Ano ang bakuna?

Ang bakuna ay simple, epektibo at ligtas na paraan upang maprotektahan ang pamayanan laban sa mga nakakasamang sakit tulad ng Covid 19.[1]

 

  1. Paano gumagana ang mga bakuna?

Gumagana ang bakuna sa pamamagitan ng paggaya nito ng virus o bacteria na nagdudulot ng sakit. Pagpasok nito sa isang nabakunahan ay naghuhudyat ito sa sistema ng katawan na gumawa at magpalakas ng mga antibody. Ang mga antibody ang siyang nagbibigay ng proteksyon at nagpapalakas sa katawan at dahil dito, bumababa ang pagkakataong mahawa kapag nakasalamuhang muli ang katulad na virus o bacteria at tuluyang makakalaban ang pangangatawan sa sakit.[2]

 

  1. Ano ang vaccine efficacy?

Ang vaccine efficacy ay ang pagpapababa ng incidence ng sakit sa isang bilang ng populasyon na nabigyan na ng bakuna kumpara sa isang grupo ng populasyon na hindi pa nabibigyan ng bakuna.[3]

 

  1. Bakit ko kailangang magpa-bakuna laban sa COVID-19?

Hinihikayat ng pamahalaan na magpabakuna ang lahat ng Filipino 18 taong gulang pataas laban sa COVID-19 para na rin maprotektahan ang bawat isa sa nakamamatay na sakit na ito na kumitil na rin ng maraming buhay sa buong mundo.[4] Bagamat boluntaryo ang pagpapabakuna, hangarin ng pamahalaan na mabakunahan ang halos 70 milyong mga mamamayan sa bansa upang tuluyang mawakasan ang Covid-19.

 

  1. Ang pagpapabakuna ba ang pinaka-epektibong panlaban sa COVID-19?

Sa ngayon, ang pagbabakuna ang inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na pinaka-epektibong uri ng proteksyon laban sa sakit na ito at ito rin ang sinusundang hakbangin ng halos lahat ng bansa sa buong mundo para tuluyang mapuksa ang pandemyang dulot ng Covid-19.[5]

 

 

  1. Bakit may iba’t ibang bakuna laban sa COVID-19?

Nagkakaiba ang mga bakuna sa kanilang paraan kung paano naghuhudyat sa immune response ng katawan ng nabakunahan para gumawa ng mga antibodies. Ang mga antibodies ay ang panlaban sa mga virus at bacteria na kalaunan ay nagiging proteksyon rin kapag nakakuha na ng impeksyon.[6]

 

  1. Paano gumagana ang bakuna laban sa COVID-19?

Ginagaya ng bakuna laban sa COVID-19 ang virus o bacteria na nagdudulot ng sakit at naghuhudyat ng paggawa ng katawan ng mga antibody. Ang mga antibody ang siyang magbibigay ng proteksyon sa pagkakataong mahawa ng aktwal na virus o bakterya na nagdudulot ng sakit.[7]

 

  1. Gaano kaligtas ang mga bakuna sa paglaban sa COVID-19?

Ang pagkakaroon ng isang ligtas at mabisang bakuna para sa COVID-19 ay prinayoridad ng iba’t ibang grupo at gobyerno sa buong mundo upang mawakasan natin ang pandemya. Sinuri at pinag-aralang mabuti ng World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) dito sa ating bansa ang mga bakuna galing sa iba’t ibang mga bansa at nagdaan sa mahigpit na proseso upang makita kung epektibo at nararapat ang mga ito sa mga Filipino.[8]

 

  1. Gaano ka-epektibo ang bakuna laban sa COVID-19?

Dumaan sa masusing proseso ang ang pag-apruba ng mga bakuna. Tinitiyak ng FDA na tanging mga bakuna na aprubado lamang nila ang garantisadong ligtas at epektibo laban sa COVID-19 at ito ang inirerekomenda nila sa pagbabakuna ng pamahalaan sa buong populasyon.[9]

 

  1. Maaari pa rin bang magpabakuna kahit nagka-COVID-19 na?

Epektibo pa rin ang bakuna kahit nagka COVID-19 na ang isang nabakunahan. [10]

 

  1. Sapilitan ba ang pagpapa-bakuna?

Hindi sapilitan ang pagkuha ng bakuna, ngunit inuulit ng gobyerno na ito ang pinaka-epektibong uri ng pag-laban sa COVID-19.[11]

 

  1. Ano ang maaaring mangyayari kapag hindi ako nagpa-bakuna?

Ang mga bakuna ay ang pinaka-epektibong gamit pang laban sa COVID-19. Ang pagpapabakuna ay isang responsableng desisyon para maiwasan ang mga sintomas at malalang sakit na dala ng COVID-19.[12]

 

 

 

 

  1. TUNGKOL SA PROGRAMA NG PAMAHALAAN NA BAKUNA KONTRA COVID-19

 

  1. Sinu-sino ang maaaring magpabakuna?

Hinihikayat ng pamahalaan na magpabakuna ang lahat ng Filipino 18 taong gulang pataas laban sa COVID-19 para maprotektahan ang populasyon at tuluyang mapigil ang pagkalat at pagkahawa sa Covid-19 virus.

 

  1. Paano ang proseso ng pagbabakuna? Ano ang mga grupo at prayoridad ng DOH sa pagbabakuna?

Ang mga sumusunod na pag-prayoridad ang sinusundang pamamaraan ng DOH para sa pagbabakuna ng pamayanan:[13]

 

  1. Priority Eligible A

A1. Workers in Frontline Health Services

A2. All Senior Citizens

A3. Persons with Comorbidities aged between 18 – 59 years old.

A4. Frontline personnel in essential sectors, including uniformed personnel.

A5. Indigent Population

 

  1. Priority Eligible B

B1. Teachers, Social Workers

B2. Other Government Workers

B3. Other Essential Workers

B4. Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and poor population based on the NHTS-PR

B5. Overseas FIlipino Workers

B6. Other Remaining Workforce

 

  1. Priority Eligible C
  2. Rest of the Filipino population

 

  1. Bakit kailangang sundin ang sistema ng priority eligibility na ito sa pagbibigay ng bakuna?

Dahil sa limitado ang supply ng bakuna sa ngayon, binibigyan ng prayoridad ang mga high risk groups, frontline health workers at ang uniformed personnel upang mabigyang proteksyon ang mga nasa linya ng trabahong mataas ang posibleng exposure sa COVID-19 at mapagpatuloy nilang gampanan and kanilang responsibilidad sa publiko at pribadong sektor. Uunahin ding bakunahan ang mga grupong tulad ng matatanda at indigent na populasyon dahil sila ay higit na apektado kung magkaroon ng malubhang COVID-19. [14]

 

 

  1. Bukod sa mga kondisyong isinaad para sa general population, sinu-sino pa ang pwedeng magpa-bakuna laban sa COVID-19?

Ayon sa Department of Health, maaari ring magpabakuna laban sa COVID-19 ang mga sumusunod:[15]

  1. May mga sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng mga blood thinners
  2. May mga allergy sa pagkain, itlog, gamot, kagat ng insekto, latex, at inhalant o environmental allergens.
  3. Meron o nagkaroon na dati ng hika
  4. Ang mga nagkaroon na ng COVID-19 dati basta’t ganap na kanilang paggaling at nakumpleto na nila ang paggamot.

 

  1. Sinu-sino naman ang mga dapat maghintay muna bago magpabakuna?

Ayon sa DOH, dapat maghintay bago magpa-bakuna laban sa COVID-19 ay ang mga sumusunod:[16]

  1. Kasalukuyan may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na ubo, sipon, lagnat, panginginig, panghihina, pananakit ng ulo, lalamunan, o kalamnan, kawalang ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, butlig sa balat.
  2. May nakasalamuha na may COVID-19 sa nakaraang 14 na araw
  3. Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis
  4. Nakakuha ng kahit anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw
  5. Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, o nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan.
  6. Nagkaroon ng hyperintensive emergency o high blood pressure na mas mataas sa 180/120 na may sintomas na posibleng organ damage.

 

  1. Sinu-sino ang hindi maaaring magpa-bakuna laban sa COVID-19?

Ayon sa DOH, hindi pwede magpa-bakuna laban sa COVID-19 ang mga sumusunod:[17]

  1. Mas mababa sa 18 na anyos ang edad
  2. May allergy sa sangkap ng mga bakuna tulad ng Polysorbate or PEG
  3. Nagkaroon ng malubhang reaksyon katulad ng Anaphlaxis sa unang pagkaturok ng bakuna para sa COVID-19.

 

 

 

  1. Sino-sino ang kailangang magdala ng health o medical clearance bago magpa-bakuna?

Ayon sa DOH, ang mga susunod ay ang kailangan magdala ng medical clearance bago magpa-bakuna laban sa COVID-19:[18]

  1. May Autoimmune Disease
  2. May Human Immunodeficiency Virus o HIV
  3. May Kanser na kasalukuyang naggagamot ng Chemotherapy, Radio, o Immunotherapy
  4. Mga sumailalim sa Organ Transplant
  5. Umiinom ng Steroids
  6. Nakaratay sa kama
  7. May sakit na hindi tataas sa 6 na buwan ang taning
  8. Mga dating nagkaroon ng reaksyon sa ibang bakuna

 

At yung mga iba pang mayroong co-morbidity na hindi nabanggit ay nararapat ring magdala ng ebidensya ng co-morbidity.

 

  1. Hindi ako kasama sa grupo na pwedeng magpabakuna, ano ang maaari kong gawin para maiwasan ang COVID-19?

Kung hindi ka kasama sa mga grupo na pwedeng magpabakuna ayon sa DOH, ipagpatuloy ang iba’t ibang safety protocol katulad ng pagsusuot ng mask at face shield kapag lumalabas ng bahay, pagpapatuloy ng paghuhugas ng kamay, patuloy na pag-distansya ng isang metro sa mga kapwa kapag nasa pampublikong lugar, pagpapanatiling maganda ang daloy ng hangin sa mga tahanan, at pag-iwas ng pagpunta sa lugar na maraming tao.[19]

 

  1. Sinu-sino ang mga tinatawag na may kontroladong karamdaman o controlled co-morbidities?

Kasama dito ang mga edad na 18 pataas na may kontroladong karamdaman o controlled co-morbidities na: [20]

  1. Kasalukuyang walang sintomas
  2. May stable na vital signs
  3. Walang atake ng karamdaman
  4. Hindi kainakailangan ma-admit o magpalit ng kanilang gamot sa nakaraang 3 buwan
  5. Kasalukuyang hindi naka-admit sa ospital

 

  1. Maaari bang magpabakuna ang mga buntis at ang mga nagpapasuso?

Oo, maaaring magpa-bakuna ang mga buntis kung sila ay lagpas na sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Inirerekomenda rin na huwag pahintuin sa pagpapasuso ang mga ina sa kanilang mga  anak bago o pagkatapos magpa-bakuna.[21]

 

 

 

  1. May mga gamot ba na hindi maaaring inumin bago magpa-bakuna?

Inirerekomenda ng mga doktor na huwag uminom ng paracetamol o ibang painkiller sa araw bago magpa-bakuna.[22]

 

  1. Maari ba akong makakuha ng COVID-19 mula sa bakuna?

Imposible o hindi makakakuha ng COVID-19 mula sa bakuna dahil walang buhay na virus sa mga bakuna na ibinibigay. [23] 

 

  1. MGA KAILANGANG MALAMAN BAGO MAGPABAKUNA

 

  1. Saan ako dapat magparehistro para sa bakuna?

Ang pagrerehistro ay ginagawa sa inyong local government unit (LGU) batay sa iyong tirahan o sa lugar ng inyong trabaho. Bisitahin ang website o social media page tulad ng Facebook ng inyong munisipalidad para sa pagpapalista at alamin ang detalyeng tulad ng mga iskedyul at lugar kung saan gaganapin ang pagbabakuna. Maaari ring lumapit at makipag-usap sa inyong barangay health worker para makapagpa-tala sa pagdating ng bakuna at malaman ang mga detalye ukol rito.[24]

 

  1. Kailangan ko bang bayaran ang aking bakuna?

Walang kailangan bayaran sa pagbabakunang iiskedyul ng inyong munisipyo dahil ito ay programa ng inyong lokal na pamahalaan.[25]

 

  1. Saan ko malalaman ang lugar ng pagbabakuna o vaccination site?

Makipag-ugnayan sa inyong local government unit (LGU) sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website o social media page tulad ng Facebook para malaman ang lokasyon ng iyong respektibong vaccine site.

 

  1. Sino ang magbibigay sa akin ng bakuna?

Isang rehistradong propesyonal na aprubado ng lokal na pamahalaan at ng inyong Municipal Health Office ang mag-iiniksyon ng inyong bakuna laban sa COVID-19.

 

  1. Kailangan ko bang maging miyembro ng PhilHealth para ma-bakunahan?

Ayon sa DOH, hindi kinakailangan na mayroong PhilHealth PIN upang makapag-rehistro para sa bakuna.[26]

 

 

 

  1. Saan ako makakakuha ng medical clearance?

Maaring kumuha ng medical clearance mula sa inyong doktor, mula sa online na konsulta o teleconsultation (pagtawag sa doctor gamit ang telepono), pagpunta sa health facility, o sa kahit anong medikal na institusyon ng inyong LGU.[27]

 

  1. Kailangan bang magpabakuna ang lahat ng miyembro ng pamilya o sapat na ang isa?

Lahat na miyembro ng pamilya 18 taong gulang pataas na pwedeng magpabakuna ay dapat magpabakuna upang lahat ay maprotektahan laban sa COVID-19.

 

  1. MGA KAILANGANG MALAMAN SA ARAW NG PAGBABAKUNA

 

  1. Ano ang dapat kong gawin sa araw ng aking bakuna?

Sa araw na kukunin mo ang iyong bakuna, siguraduhin na nakatulog ng maayos at kumain ng maayos at masustansya na pagkain bago pumunta sa vaccination site.[28]

 

  1. Ano ang kailangan kong dalhin sa vaccination site?[29]
  2. Magdala ng sarili mong alcohol, tissue, tubig, pagkain, at ballpen.
  3. Kung ikaw ay mayroong high-blood, magdala ng gamot para dito.
  4. Kung ikaw ay may co-morbidity, magdala ng health o medical clearance.
  5. Kung ikaw ay may ibang karamdaman na hindi kailangan ng medical clearance, magdala lamang ng pruweba ng karamdaman tulad ng medical certificate, reseta ng gamot, o rekord galing ospital. Hindi kailangan ng medical clearance ang mga taong ito bago magpa-bakuna.[30]

  1. Ano ang dapat kong suotin papunta sa vaccination site?

Magsuot ng maluwag na damit upang mabilis ang pagturok ng iyong bakuna sa inyong braso. Siguraduhin na maayos ang pagsuot ng face shield at face mask.

 

  1. Ano ang proseso ng pagkuha ng bakuna sa araw ng aking narehistro?
  2. Pumunta sa iyong vaccination site kung saan nagpa-rehistro at tiyakin na makarating sa tamang oras. Maglaan ng sapat oras para sa pagpila at pagsulat sa mga forms na kakailanganin.
  3. Sagutin ng tama ang mga pre-vaccination forms kasama na ang consent form.
  4. Hintayin na tawagin kayo para sa bakuna.
  5. Pagtapos mabakunahan, bibigyan kayo ng proof of vaccination o pruweba ng pagka-bakuna.
  6. Maghintay ng 15-30 na minuto sa vaccination site para sa monitoring ng posibleng sintomas o side-effect ng pagka-bakuna.
  7. Kung walang malala na sintomas o side-effect na mangyayari, maaari nang umalis sa vaccination site at bumalik na lamang sa araw ng pagbigay ng pangalawang dose ng bakuna.

 

 

  1. MGA KAILANGANG MALAMAN MATAPOS MABAKUNAHAN

 

  1. Normal ba na makaranas ng side-effect matapos mabakunahan?

Oo, normal lang ang makaranas ng side-effect. Ito ay senyales ng nagsisimulang rumesponde ang immune response ng katawan dahil sa bakuna. Karaniwang mawawala ang mga sintomas na ito sa loob ng isang linggo. [31] Pagkatapos ng iniksyon, magpahinga, uminom ng maraming tubig, at kumain ng tama at masustansyang  pagkain.[32]

 

  1. Anong mga side-effect ang maaari kong maranasan pagkatapos ng bakuna?

Ayon sa DOH, ang karaniwan na mga sintomas o side effect ay ang mga sumusunod:

  1. Pananakit, pamumula, pangangati, o pamamaga sa lugar kung saan ibinigay ang bakuna
  2. Hindi maayos na pangkalahatang pakiramdam
  3. Pagkaramdam ng pagod
  4. Lagnat o panginginig
  5. Sakit ng ulo
  6. Pananakit sa kasu-kasuan o kalamnan. [33]

 

  1. Anong gamot ang pwede kong inumin para sa aking mga side-effect dulot ng bakuna?

Maaaring uminom ng paracetamol o kahit anong painkiller laban sa mga side-effect ng pagbabakuna. Maaari ring maglagay ng malinis, malamig, at basang tela sa lugar na binakunahan.[34]

 

  1. Ano ang dapat gawin kung lumagpas ng isang linggo ang mga sintomas o side-effect dahil sa bakuna?

Kumonsulta sa iyong pinakamalapit na doktor o makipag-ugnayan sa inyong vaccination site o sa barangay health worker  para maisangguni ang sakit at mai-report ang epekto..[35]

 

  1. Gaano kahalaga ang pagkuha ng pangalawang bakuna laban sa COVID-19?

Hindi lubos na kumpleto ang proteksyon matapos ang unang bakuna. Importanteng kunin ang pangalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 dahil ito ang magbibigay ng kumpleto at mabisang proteksyon na kayang ibigay ng bakuna laban sa sakit.[36]

 

 

  1. Maaari bang ibang brand ang ikalawa kong bakuna kumpara sa unang ininiksyon sa akin?

Hindi. Sa programa ng lokal na pamahalaan, isang brand ng bakuna ang parehong dose na ibibigay sa isang magpapa-iniksyon para makuha ang pinakamataas na bisa at proteksyon ng bakuna[37]

 

  1. Kailan ko dapat kunin ang pangalawang bakuna?

Ayon sa DOH, ang pangalawang bakuna ng Sinovac o Coronavac ay dapat kunin pagkatapos ng apat na linggo o 28 na araw. Samantalang ang pangalawang bakuna ng AstraZeneca ay dapat kunin sa loob ng apat hanggang labing-dalawang linggo.

 

Para malaman ang eksaktong araw na dapat kunin ang iyong pangalawang bakuna, itanong lamang ito sa mga health workers sa vaccination site.

 

  1. Ligtas na ba ako sa COVID-19 ngayong natapos na bakuna ako?

Kahit matapos ang dalawang iniksyon ng bakuna laban COVID-19, may posibilidad pa rin na makakuha tayo ng COVID-19. Tulad ng kahit anong bakuna sa iba’t ibang uri sakit, napapalakas ng mga ito ang antibodies ng katawan ngunit malaking bagay pa rin ang natatanging lakas ng sariling pangangatawan ng isang tao kapag nakakuha ng virus. Ang mahalagang dulot ng bakuna ay inihahanda nitong lumaban ang katawan sa pagdating ng virus at may napatunayang mabisang proteksyon ito laban sa malalang sintomas na mangangailangan ng pagpunta sa ospital o magdudulot ng kamatayan.[38]

 

Kahit na maaaring maprotektahan ka ng bakuna mula sa symptomatic at moderate-severe COVID-19, kailangan pa ring ipagpatuloy ang iba’t ibang safety protocol mula sa DOH para sa kabutihan sa sarili at sa pamilya.[39]

  1. Ipagpatuloy and pagsuot ng mask at faceshield sa bawat pag labas ng bahay.
  2. Ugaliin ang laging paghugas at paglinis ng kamay.
  3. Umiwas sa pagpunta sa matataong lugar kung hindi naman kailangan.
  4. Siguraduhing maganda ang daloy ng hangin sa bahay.
  5. Sundin ang isang metrong distansya sa kapwa kapag nasa pampublikong lugar.

 

  1. Nagpabakuna na ako ng dalawang beses ngunit mayroon akong sintomas ng COVID-19, kailangan ko pa rin bang magpa-test?

Oo, kailangan pa rin magpa-test ng COVID-19 kung ang iyong sintomas ay tumagal sa isang linggo. Ang bakuna laban sa COVID-19 ay magpo-protekta sa mga seryosong sintomas at kamatayan at sa pagkakataong makakuha pa rin ng virus ay kailangang makakuha pa rin ng kumpletong treatment o gamot laban dito.

 

 

 

  1. Bakit ako nagkaroon ng COVID-19 kahit natapos na ang una kong pagbabakuna?

Mataas pa ang posibilidad na makakakuha ng COVID-19 ang isang pasyente kung hindi pa nakukuha ang kumpletong dose hanggang sa pangalawang bakuna. Ang ibang dahilan kung bakit maaari pa ring makakuha ng COVID-19 ay ang mga sumusunod:

  1. Na-expose sa COVID-19 dalawang linggo bago maturukan ng unang bakuna.
  2. Na-expose sa COVID-19 sa kalooban ng panahon ng pagkuha ng una at pangalawang bakuna.
  3. Na-expose sa COVID-19 bago mabuo ng katawan ang ptoteksyon mula sa bakuna.
  4. Dahil sa hindi pagsunod sa iba’t ibang health at safety protocol katulad ng paghuhugas ng kamay o tamang suot ng face mask at face shield.[40]

 

  1. Gaano katagal ang proteksyong binibigay ng bakuna laban sa COVID-19 ?

Dahil sa bago pa lamang at limitadong panahon ng obserbasyon para sa paggawa ng mga clinical trial, hindi pa natitiyak ang aktwal na itinatagal ng proteksyon na maaaring ibigay ng mga bakuna laban sa COVID-19. [41]

 

 

 

[1] https://www.who.int/news-room/q-a-detail/vaccines-and-immunization-what-is-vaccination

[2] https://drive.google.com/file/d/10sH3PJ02khIiRju_hjgmI_Kv4R38zRlV/view?usp=sharing

[3] https://drive.google.com/file/d/1So0p2BgiPSMmJT3Qnlq6FfMwA7OkCJyP/view?usp=sharing

[4]https://drive.google.com/file/d/10sH3PJ02khIiRju_hjgmI_Kv4R38zRlV/view?usp=sharing

[5] https://www.who.int/news-room/feature-stories/detail/getting-the-covid-19-vaccine

[6] https://drive.google.com/file/d/10sH3PJ02khIiRju_hjgmI_Kv4R38zRlV/view?usp=sharing

[7] https://drive.google.com/file/d/1GPrBeMBqVjhs2X77v8TY3QJmIvsDVJMy/view?usp=sharing

[8] https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/global-research-on-novel-coronavirus-2019-ncov/accelerating-a-safe-and-effective-covid-19-vaccine

[9] https://drive.google.com/file/d/10sH3PJ02khIiRju_hjgmI_Kv4R38zRlV/view?usp=sharing

[10] https://www.who.int/news-room/q-a-detail/coronavirus-disease-(covid-19)-vaccines

[11] https://doh.gov.ph/faqs/vaccines

[12] https://www.who.int/news-room/feature-stories/detail/getting-the-covid-19-vaccine

[13] https://doh.gov.ph/vaccines/info-for-specific-groups

[14] https://drive.google.com/file/d/10sH3PJ02khIiRju_hjgmI_Kv4R38zRlV/view?usp=sharing

[15]https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4258746300803256/4258717007472852 

[16]https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/4324491847562034

[17] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/4324491847562034

[18] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/a.157979910879936/4324490014228884/

[19] https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public

[20] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4305428729468346/4305423789468840

[21] https://doh.gov.ph/vaccines/info-for-specific-groups

[22] https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/covid-19-vaccines/advice

[23] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4271252739552612/4271250886219464

[24] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4305428729468346/4305424392802113

[25] https://doh.gov.ph/faqs/vaccines

[26] https://doh.gov.ph/doh-press-release/PHILHEALTH-ID-NUMBER-NOT-A-REQUIREMENT-FOR-VACCINATION-PHILHEALTH-TO-FACILITATE-ONSITE-REGISTRATION-FOR-AEFI-COVERAGE#:~:text=(PhilHealth)%20that%20a%20Philhealth%20Identification,cases%20of%20adverse%20events%20following

[27] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4305428729468346/4305424219468797

[28] https://doh.gov.ph/node/28470

[29] https://doh.gov.ph/node/28470

[30] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4305428729468346/4305424362802116

[31] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918717319347

[32] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918833986002

[33] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918723986013/

[34]https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918823986003 and  https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/covid-19-vaccines/advice

[35]https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918840652668

[36] https://www.who.int/news-room/feature-stories/detail/getting-the-covid-19-vaccine

[37] https://drive.google.com/file/d/1L8539xTZfdHrucNbJvYa8mZm-25jS6nv/view?usp=sharing

[38] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4271252739552612/4271251016219451/

[39] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4326919817319237/4326918960652656

[40] https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.4271252739552612/4271251172886102

[41] https://drive.google.com/file/d/1OtgwcNtDPdI6Hw_i_-N_5RDFjLKkyogJ/view?usp=sharing