Citinickel todo suporta sa mga komunidad sa Palawan


June 3, 2020

Ang Citinickel Mines and Development Corporation sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng kanilang Community Relations Office (CRO) ay humiling sa pagpayag at pag-apruba ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) – MIMAROPA na magkaroon ng realignment mula sa aprubadong Annual Social Development and Management Program (ASDMP)-2020 nito. Ito ay alinsunod sa MGB Memorandum na may petsang March 27,2020 at paksang “Realignment of Social Development and Management Program’s unutilized funds to support affected impact and non-impact communities due to COVID-19”.

 

Ang Social Amelioration Support Program (SASP) ay bahagi ng nabanggit na SDMP realignment. Kung saan, ang pamamahagi ng 300 na sako ng bigas sa bayan ng Sofronio Española at 1,000 food packs sa Brgy. San Isidro, Narra, Palawan (bilang host mining community sa bayan ng Narra, Palawan) ay bahagi ng pinagsamang pondong nakalaan para sa Information Education and Communication (IEC) at Development of Mining Technology and Geosciences (DMTG) nito.

 

 

Ang SDMP ay isang pamamaraan para sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga programa, proyekto at gawain pang-komunidad para sa host and neighboring communities ng isang minahan. Kung saan, ito ay naglalayong mabigyan ng pangmatagalan o likas-kayang kaunlaran ang komunidad habang o pagkatapos ng responsableng operasyon ng pagmimina.

 

Ang SASP ng Citinickel ay panandaliang suporta lamang sa aming mining communities, na naglalayong pansamantalang matugunan ang ilan sa mga pangangailangan tulad ng pagkain habang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ating lalawigan; sa kaslukuyan, tinatayang nasa 1,600 households ang naging benepisyaryo ng nabanggit na programa. Dito po ay umaasa po kami, sa ganitong paraan ay maipaabot namin ang aming malasakit at pag-aalala.

 

Patuloy po ang aming pagdarasal na sana ay malagpasan ng bawat isa sa atin ang banta ng COVID-19. Naniniwala po kami na ang pagtutulungan at kooperasyon ng bawat isa ang susi para sa paghilom natin sa krisis na ito.

 

Maraming salamat po sa mga opisyales, volunteers at mga manggagawa na patuloy parin na nagbibigay ng kanilang tapat na serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19. Sumasaludo po kami sa inyo.